YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 05, 2016

APPO abala sa pagkolekta ng lapis kaugnay sa National Childrens Month

Posted September 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for maraming lapisMas pinaigting pa ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang pagkukulekta ng mga lapis sa probinsya.

Ito’y dahil sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) sa programa ng DSWD, National Youth Commission (NYC) at Commission for Welfare Children (CWC) sa mga batang kapos palad sa pagbili ng lapis.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Office PO1 Jane Vega, kaya umano naging bahagi sila ng ganitong programa ng DSWD dahil isa umano sila sa makakatulong  para makapag-bigay ng impormasyon upang malaman pa ng ibang tao na meron silang ganitong programa kung saan gusto nilang makatulong sa mga batang mas  nito.

Nakatakda naman magtapos ang kanilang pangungulekta ng lapis ngayong Setyembre a-dyes kung saan agad naman itong dadalhin sa opisina ng DSWD.

Nabatid na ang mga lapis na makukulekta ay nakatakdang ibigay para sa selebrasyon National Children Month.

Ang programang ito ay bukas sa mga gustong tumulong kagaya ng Private sectors, Non-Government Officials at Private Individuals.

Sa kabila nito, sinabi pa ni Vega na matapos umano ang kanilang tulong sa DSWD ay nakatakda naman silang gumawa ng sariling programa na makapag-bibigay rin ng tuloy sa mga kabataan sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment