YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 05, 2016

Engr. Solano sinabing malaking hamon sa kanya ang pag-aayos ng basura sa Boracay

Posted September 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi maikakaila na isa sa mga pangunahing problema ngayon sa isla ng Boracay ay ang mga basurang naiipon at hinahakot araw-araw.

Sa panayam ng himpilang ito kay Malay Engr. Arnold Solano ng Solid Waste Management, inanim nito na malaking hamon para sa kanya ang pag-aayos ng basura sa isla ng Boracay.

Nabatid kasi na umaabot na sa 60 trucks ang kanilang nahahakot na basura araw-araw sa buong isla na kinabibilangan ng residual waste, recyclable waste, kitchen waste at iba pang basura na nagmumula sa mga hotel/resort at mga kabahayan sa isla.

Ayon kay Solano lahat umanong nakokolektang basura ngayon sa Boracay ay dinadala sa Manoc-Manoc MRF na siya ngayong paglalagyan ng basura sa buong isla.
Bagamat hindi na dinadalhan ng basura ang Yapak MRF meron parin umano ito ngayong 3, 310 cubic meters na nakatambak na basura doon gayundin sa Balabag MRF na merong 10, 920 cubic meters na sunod na ring hahakutin. 

Samantala, para umano mabawasan ang basura sa isla ng Boracay ay isa sa mga pinaplano ng LGU ngayon ay ang paglaan ng supplemental budget, bidding sa magha-haul at barge na maghahakot ng basura araw-araw na dadalhin sa landfill ng Malay. 

No comments:

Post a Comment