Posted September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masigasig ngayong nag-papatrolya ang Malay at Boracay PNP
lalo na sa isla ng Boracay matapos ang nangyaring pagsabog nitong Biyernes sa
Davao City.
Kahapon buong araw na nagsagawa ng pagpapatrolya ang mga
pulis sa isla kasama ang lahat ng hanay ng mga nagpapatupad ng seguridad sa
Boracay.
Ayon kay (BTAC) Senior Inspector Jess Baylon, nagsagawa
umano sila ng preventive measure tungkol sa anumang insidente o explosion na
maaaring mangyari sa isla ng Boracay.
Maliban dito naka-update umano ang kanilang alert status
mula normal status to heightened alert sa lahat ng kapulisan at sa kanilang mga
counterpart.
Kaugnay naman umano sa State of Lawless Violence,
nananatili aniya ang lahat ng miyembro ng PNP sa Standard Operation Procedure
kasama ang law enforcement kung saan normal parin ang kanilang trabaho at ang
ginagawa ng mga kapulisan.
Ngunit sa naturang utos hindi lang nila dodoblehin ang
seguridad kundi gagawin nila itong triple para ma-monitor ang anumang untoward
incident sa isla.
Samantala, maliban sa foot patrolling nagsagawa din sila
ng seaborne patrolling katuwang ang buong pwersa ng Boracay Action Group (BAG).
Samantala, nag-paabot naman si Baylon ng pakikiramay sa
pamilya ng mga nasawi sa Davao at sa buong LGU ng Davao kung saan dito din siya
nanungkulan noon sa loob ng mahigit limang taon na nagtapos nitong 2015.
No comments:
Post a Comment