Posted September 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mismong si Police Sr. Supt. John Mitchell Jamili, Provincial
Director ng Aklan PNP ang nanguna sa ginawang Operation Greyhound at Oplan
Galugad sa loob ng Aklan Rehabilitation Center kahapon.
Kasama rin nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
na mula sa Regional office kung saan nakakuha sila ng isang tirbang mga
patalim, cellphone at mga drug paraphernalia.
Ayon sa report ng Aklan Police Provincial Office,
nakatanggap sila ng impormasyon na talamak umano ang transaksyon ng illegal
drugs sa loob ng Aklan Rehabilitation Center.
Naniniwala naman ang mga kapulisan na may gumagamit at
nagbibinta ng shabu sa loob ng ARC dahil sa mga nakuhang drug paraphernalia sa
mga selda kahit na sa kabila na wala silang nakuhang shabu sa loob nito.
Sa kabilang banda itinanggi naman ni Teddy Esto Warden ng
ARC ang nasabing report na may transaksyon ng illegal drugs sa loob dahil sa
mahigpit umano silang nagpapatupad ng seguridad sa kulungan, bagamat hindi rin
nito inaalis ang posibilidad na baka may naghahagis ng shabu mula sa labas na
kinukuha naman ng mga inmates sa loob.
No comments:
Post a Comment