Wednesday, September 07, 2016

MRF sa Yapak, pinapalanong pagtayuan ng transportation building

Posted September 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for YAPAK MRF
Nasa plano umano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay na pagtayuan ng transportation building ang MRF Yapak sa Boracay.

Ito ang sinabi ni Malay Engr. Arnold Solano ng Solid Waste Management, sa panayam ng himpilang ito.

Ayon kay Solano, wala ng magiging MRF sa Yapak kung saan sinisimulan na ngayong hakutin ang mga basura mula rito papuntang Manoc-manoc MRF.

Nabatid na maaaring paglagyan din ang mga ito ng mga impounding na sasakyan sa Boracay kagaya ng mga motorsiklong nahuling walang lisensya.

Samantala, pabor naman ang Transportation Office sakaling matuloy ang panukalang ito ng sa ganon ay may mapaglalagyan na umano sa Boracay ng mga nahuhuling sasakyan at hindi na magsikip ang mga ito sa Action Center sa Balabag. 

No comments:

Post a Comment