Posted September 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa lima lang ngayong ang operational na garbage truck
sa isla ng Boracay na kumukulekta ng mga basura araw-araw.
Ito ang pag-amin ni Malay Engr. Arnold Solano ng Solid
Waste Management, dahilan ng pagka-delay ng paghahakot ng mga basura lalo na sa
beach area na umaabot ng hanggang alas-8 ng umaga.
Ayon kay Solano, walo ang kabuuang garbage truck sa
Boracay ngunit lima lang ang gumagana dito kung saan isa sa Yapak ang nagagamit
at isa naman ang sira habang dalawa naman sa Balabag at apat sa Manoc-manoc
ngunit sira din ang dalawa.
Sa kabila nito meron na umanong biniling bagong apat na
truck si Mayor Cawaling ngunit hindi pa umano ito dumadating sa isla.
Kamakailan ng batikusin sa social media ng mga resort owner
at residente sa isla ang tambak-tambak na basura sa beach area na matagal bago
makolekta.
Nabatid na umaabot sa 60 trucks ang nahahakot na basura
araw-araw na dinadala sa Manoc-manoc MRF kung saan karamihan sa mga ito ay
kitchen waste at garden waste mula sa mga kainan at resort sa isla.
No comments:
Post a Comment