Monday, August 15, 2016

Penalidad para sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos, aprobado na

Posted August 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for namamalimosInaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan SP ang  Ordinance number 354 ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagbibigay ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos.

Sa naganap na committee hearing nong July 25, 2016, ipinatawag ng mga komitiba ang representante ng SB Malay ni si Hon. Jupiter Gallenero kung saan ipinaliwanag sa Sangguniang Panlalawigan ang nakapaloob sa nasabing ordinansa kung saan  may  kaukulang penalidad ang sinumang lumabag dito.

Nabatid na pagmumultahin ang mga ito ng isang libo (P 1,000) ang sinumang magbigay ng limos, pera, pagkain o anumang bagay sa mga namamalimos, Pangalawa ang multa na limang daan (500) o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang buwan hanggang 3 buwan ang sinumang mahuhuling namamalimos o patuloy na namamalimos sa kabila ng mga tulong na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.

Habang ang pangatlo naman ay ang paulit ulit na mahuhuling namamalimos ay papatawan ng multa na nagkakahalagang isang libong piso o pagkakakulong ng hindi baba sa 1 hanggang 3 buwan o pareho, Pang-apat ay papatawan din ng multa ang mga magulang na ginagamit ang mga anak na namamalimos sa nagkakahalagang P2, 500 or pagkakakulong ng hindi bababa sa 3 hanggang 6 na buwan o pareho.

At ang Pang-lima ay kung sinumang mahuhuling gumagamit ng mga namamalimos or mga gumagamit ng mga minors para mamalimos ay pagmumultahin ng P2,500 o pagkakakulong na hindi bababa sa 3 hanggang 6 buwan o pareho.

Ang nasabing batas ay inaprobahan noong August 1, 2016 sa 4th Regular Session Ng 17th Sanggunang Panlalawigan ng Aklan.

Layunin ng ordinansa na ito ng Malay na maibsan ang mga organized beggars sa isla at para hindi gagawing negosyo ang panglilimos.

No comments:

Post a Comment