Posted August 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang panawagan ng Municipal Social Welfare and Development
Office (MSWDO) ng Malay sa mga resorts owners kaugnay sa child sex tourism.
Ayon kay MSWDO Officer Magdalena Prado, may naging kaso
umano kasi ng child sex tourism noon sa Boracay kung saan ginagamit ang mga
bata sa trafficking (pagkakalakal) ng mga banyagang turista.
Nais nito na magsumbong umano sa mga pulis o MSWDO ang mga
resort o hotel sa sandaling mayroong nag check-in sa kanilang dayuhan na may
kasamang menor de-edad na Pilipino na kahina-hinala upang maiwasan ang masamang
gawaing ito sa Boracay.
Nabatid na dinadala umano ang mga batang ito sa isla ng
Boracay ngunit nito umanong huli ay may aligasyon na mismong galing na sa isla
ang kasama sa child sex tourism.
Ang child sex tourism ay karaniwang ginagawa sa mga
kilalang tourist destination sa buong mundo kung saan ng ilang mga banyaga na naghahanap
ang mga ito ng mga batang kanilang maabuso.
No comments:
Post a Comment