Posted
August 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit umano na ipinagbabawal ang pagpapatayo ng mga
bahay o anumang imprastraktura sa gilid
ng mga ilog sa bayan ng Malay.
Ito ang nabatid kay SB member Frolibar Bautista sa
kanyang privilege speech sa SB Session nitong Martes ukol sa mga itinayong
kabahayan ngayon sa gilid ng ilog sa Caticlan.
Ayon kay Bautista tila insulto umano ito sa gobyerno ng
Malay dahil parang wala umano ang mga itong kinakatakutan kung saan matapos
gibain ang kanilang mga imprastraktura ay ngayon ay bumalik na naman umano ang
mga ito.
Sinabi pa nito na wala umanong programa ang ginawa para
maiangat at maprotektahan ang ilog sa Malay.
Samantala, hilining naman ni SB Bautista sa Committee on
Environment na e-inventory kung ano na ang mga nangyayari sa ilog sa nasabing
bayan.
No comments:
Post a Comment