Posted
August 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi maikakailang maraming mga asong pagala-gala sa isla
ng Boracay lalo na sa beach area na tila parang mga tao rin na namamasyal sa
dagat.
Dahil dito pinuna ni SB member Dante Pagsuguiron sa
Session ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon ang umanoy problemang ito sa
Boracay na nakaka-apekto sa mga turista.
Ayon kay Pagsuguiron ang Malay umano ay deneklara noong
nakaraang taon ng Department of Health (DOH) na rabies free ngunit madami
umanong mga street dogs na pagala-gala samahan pa ng dumi ng mga ito.
Ngunit isa sa mga ipinagtataka ng konsehal kung bakit
walang nanghuhuli sa mga ito o mga dog catcher para masugpo na ang mga asong
ito na nagdadala ng piligro sa mga turista.
Dahil dito ang Committee on Health at Committee on
Environment ay pangunguhan ang pagtatakay nito kung saan makikipag-ugnayan rin
sila sa opisina ng Executive Office.
No comments:
Post a Comment