Monday, August 15, 2016

19-anyos na binatilyo huli sa buy-bust operation sa Yapak Boracay

Posted August 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi na pinaabot ng pagsikat ng araw ang paghuli sa isang-19 anyos na lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation sa Yapak, Boracay kahapon ng madaling araw.

Nahuli ang suspek na si Eunil Matillano y Catso “alyas Wenil Matillano” ng pinagsamang pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) bandang ala-1 ng madaling araw kahapon.

Ang suspek ay nahuling nagbebenta ng isang sachet ng illegal drugs kapalit ng isang libong pesong pera.

Sa nasabing buy-bust operation nakuha sa posisyon ng suspek ang isang libong pera, isang twenty peso bill at isang unit ng cellphone na naglalaman ng mga illegal transaksyon habang nakuha sa poseur buyer ang isang transparent plastic sachet na may lamang crystalline substance ng sinasabing shabu.

Ang suspek ay naaresto sa kasong paglabag sa Sec 5 article II ng RA 9165 dahil sa pagbebenta nito ng droga.

Samantala, agad namang dinala sa bayan ng Kalibo ang suspek para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment