Posted August 16, 2016
Ni Alan C. Palma Sr., YES FM Boracay
Ito ang rebelasyon ni BTAC Deputy Police Senior Inspector Mark
Gesulga sa ginawang pulong ng Municipal Peace and Order Council sa bayan ng
Malay.
Ayon kay Gesulga, maliban sa ginagamit ito sa pamamasada na
ipinagbabawal sa isla ay nagagamit na rin ang mga motorsiklo ng mga riding in
tandem sa pagsagawa ng krimen tulad ng snatching at pangho-hold up.
Bagamat kinatigan ni Malay Administrator Ed Sancho na
dapat hulihin ang lahat ng illegal na sasakyan sa Boracay, problema naman
ngayon ang kakulangan ng holding area na paglalagyan sa mga ito.
Isa sa rekomendasyon ni Executive Assistant IV Rowen
Aguirre ay ang pagtawid sa mga ito kung lagpas 20 na ang nahuli habang
nangangalap pa ng paglalagyan na area sa Boracay.
Ang mga bangka sa cargo area naman ang itinuturong may
pakana di-umano kung bakit dumarami ang kulorom na sasakyan sa Boracay dahil sa
pagkakarga ng mga ito lalo na tuwing gabi kung saan mahigpit din na
ipinagbabawal ng Philippine Coast Guard.
No comments:
Post a Comment