Posted August 16, 2016
Ni Alan C. Palma Sr., YES FM Boracay
Ito ang utos ng alkalde sa lumalalang sitwasyon ng mga
MRF sa isla kung saan tone-toneladang mga basura ang naka-tingga at di-umano’y
nangangamoy ngayon lalo na sa Baranggay Manoc-manoc.
Ayon kay Solid Waste In-charge Engr. Arnold Solano,
nakahanda na raw ang mga dump truck ng mga miyembro ng haulers na hahakot at
magtatawid sa Malay sa darating na weekend.
Subalit nais ni Cawaling na bilisan ito dahil ayaw nito
na mangamoy ang isla na posibleng makasira raw sa turismo.
Dagdag pa nito na dapat unahin ang mga matagal ng
nakaimbak at nabubulok.
Balak din ng Lokal na Pamahalaan ng Malay na
pansamantalang gawing holding area ng mga nahuhuling sasakyan na walang permit
ang MRF Yapak sakaling ito ay malinis na at magkakaroon na ng espasyo.
Samantala, aalamin pa umano nila ang kasunduan sa pagitan
ni dating Island Administrator Glenn Sacapano at may ari ng lupa sa MRF Balabag
bago sila magsagawa ng susunod na hakbang hinggil sa paghakot ng mga nakatambak
na basura doon.
Sa ngayon ay umaabot sa 20-25 truck ng basura ang
nahahakot araw-araw dulot ng dumaraming turista at lumalaking populasyon sa
isla.
No comments:
Post a Comment