Monday, August 15, 2016

1-way lane sa station 3 Boracay binuksan na sa mga motorista

Posted August 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay roadBinuksan na sa publiko at motorista ang 1-way lane sa station 3 Boracay kagabi.

Ito’y dahil sa natapos na ang mainroad construction ng Boracay Island Water Company (BIWC) na nagtagal ng halos apat na linggo dahilan para magkaroon din ng re-routing sa Manoc-manoc.

Dahil dito tuloy-tuloy na ang biyahe ng mga sasakyan sa Boracay kung saan nabawasan na rin ang ilang pagbabaha sa station 3 at ang mga sira-sirang kalsada matapos ang ginawang pag-aayos ng BIWC sa kanilang Sewerline Network Project.

Matatandaang napagkasunduan ng LGU Malay at ng mga kinauukulan sa Boracay na ipatupad ang 1-way lane para maiwasan ang matinding trapiko at upang mapabilis din ang ginawang proyekto ng BIWC.

Nabatid na sinabi din noon ni Executive Assistant III Rowen Aguirre ng LGU Malay na kung sakaling maganda ang resulta ng ginawang re-routing ay ipagpapatuloy nila ito.

No comments:

Post a Comment