Posted August 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Naglabas din ngayon ng saloobin ang isa sa malaking Stakeholder
Group sa Boracay na Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI dahil sa
patay-sinding kuryente nitong nakalipas na mga linggo.
Sinabi ni Djila Winebrenner, PCCI Board Member na dapat
ituloy-tuloy ng AKELCO o Aklan Electric Cooperative ang kanilang serbisyo sa
isla ng Boracay dahil naapektuhan ang mga negosyante.
Aniya, dati ay tanggap nila ang katwiran ng AKELCO sa power
interruption dahil umano sa malayo ang isla ng Boracay para mabigyan ng suplay
ng kuryente.
Mabuti umano ang ibang mga malalaking negosyante na
merong generator na agad masusulusyunan ang brownout ngunit paano umano silang mga
maliit na negosyante na gagastos pa sila ng malaking pera bago makabili ng
generator para lang makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga turista.
Kaya naman nais nitong ipa-abot sa AKELCO na ayusin nila
ang kanilang sistema sa pagbibigay ng suplay at ang ibinabayad ng mga
konsumedor sa kanila ay ibili ng gamit para sa tulo-tuloy na paggamit ng
kuryente.
No comments:
Post a Comment