Posted December 3, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Duguan ang isang
Japanese national matapos itong mag-laslas ng kanyang leeg sa inuupahang
apartment kahapon sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manoc-manoc,Boracay, Malay, Aklan.
Sa report ng Boracay
PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang pagamutan sa isla na merong dinalang
pasyente na sinasabing nag-suicide na kinilalang si Masayuki Sato 30- anyos at
isang Japanese national.
Sa pag-iimbestiga
ng mga pulis sa lugar kung saan nanunuluyan ang biktima, dito sinasabi ng ilang
nangungupahan sa apartment na may narinig umano silang pagbagsak mula sa ikalawang
palapag ng apartment.
Dahil dito agad na
pinuntahan ng mga tao sa lugar ang pinagmulan ng nasabing tunog at doon ay nakita
nila ang biktimang si Sato na naliligo na sakanyang sariling dugo.
Agad naman naisugod
ang biktima sa pagamutan pero inilipat din ito agad sa ospital sa bayan ng Kalibo
dahil sa tinamo nitong malubhang sugat.
Napag-alaman na ilang
buwan ng nakatira ang biktima sa kanyang inuupahang apartment kung saan nitong mga
nakaraang araw ay may mga nagsasabing palagi itong napapansing tila may
dinadalang problemado at gusto na umanong umuwi sa Japan.
Samantala,nabatid
na gunting ang ginamit ng biktima sa tangkang pagpapakamatay nito matapos makita
sa labas ng kanyang kwarto na may bahid pa ng dugo.
Sa ngayon inaalam
pa ng mga pulis ang tunay na dahilan sa tangkang
pag-suicide ng biktima.
No comments:
Post a Comment