Posted December 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Malaking bahagi sa kaalaman sa buhay at karunungan sa mga
taga Boracay kung maituturing ang ginanap na Hepatitis B and HIV/ AIDS Forum sa
Eurotel Boracay kahapon.
Ito ay dahil sa lumalaking kaso ng HIV/AIDS sa bansa kung
saan ginunita kahapon sa buong mundo ang World Aids Day na may temang “The time
to act is now.”
Photo Credit to Mar Schönenberger |
Sa nasabing forum ay pinag-usapan ang mga mahahalagang
bagay na may kaugnayan sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng panauhing pandangal na si Dr.
Aileen Gianan kung saan ibinahagi nito ang mga dapat iwasan upang hindi
mahawaan ng nasabing karamdaman.
Maliban dito nagkaroon naman ang Boracay Alert Medical
Clinic ng libreng Hepatitis B vaccines sa mismong event na dinaluhan naman ng
ibat-ibang personalidad mula sa isla ng Boracay.
Samantala, ang pangangasiwa sa Hepatitis B and HIV/ AIDS
Forum ay inorganisa naman ng LGU Malay at ng Rotary Club of Boracay.
Nabatid na layunin ng nasabing Hepatitis B at Infectious
Diseases Awareness Forum at ng World Aids Day ay makapagtala ng zero na bagong
kaso ng human immunodeficiency virus (HIV), labanan ang discrimination at
kamatayan na may kinalaman sa AIDS.
No comments:
Post a Comment