Posted November 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling tinalakay sa nakaraang 42nd SB Session
ng Malay ang tungkol sa bagong waters sports activity sa Boracay na stand-up
paddling activity.
Sa SB Session ng Malay nitong nakaraang Martes,
sumailalim sa deliberasyon ang tungkol sa draft ordinance ni SB Member Jupiter
Gallenero na nagre-regulate sa Stand-up Paddling Activity sa lugar na
nasasakupan ng bayan ng Malay.
Nakapaloob rito ang designating area sa operasyon ng
activity at ang mga penalidad sa paglabag sa mga ordinansa ng LGU Malay.
Base sa nilalaman ng draft ordinance ni dito
nililimatahan ang pagkakaroon ng Stand-up paddling activity sa Boracay kasama
ang pag-display ng kanilang board at paddles sa mismong beach area para
maiwasan umano ang sagabal sa mga naliligong turista.
Samantala, ang naturang usapin ay muling tatalakayin sa
susunod na Session bago matapos ang taong 2015 at kung ito ba ay papaboran ng
buong konseho.
No comments:
Post a Comment