Monday, November 30, 2015

16 na kandidata ng Mutya ng Kalibo, magpapatalbugan sa swimsuit competition sa Boracay

Posted November 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Labin-anim na kandidata ng Mutya ng kalibo Ati-Atihan 2016 ang magpapatalbugan sa swimsuit competition ngayong darating na Desyembre 13 sa Hennan Group of Resorts sa Boracay Wave Bar station 2.

Ayon kay Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation, Inc. (KASAFI) Chairman Albert Meñes ang mananalo sa Best in Swimsuit ay kokoranahan sa darating na grand finale sa Coronation night sa January 8, 2016 sa ABL Kalibo.

Maliban dito irarampa din umano ng mga kandidata ang ginawang koleksyon ng mga sikat na designers sa Aklan na sina Mel Quimpo at Peter Rian Casidsid.

Samantala gaganapin naman ngayong Desyembre 20 ang talent competition ng mga kandidata sa Kalibo Pastrana Park

No comments:

Post a Comment