Posted December
2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos ang pinagsamang pwersa ng operatives ng Aklan
PNP sa limang magkahiwalay na drug buy bust at entrapment operations sa
ibat-ibang area sa lalawigan nitong Nobyembre 27 hanggang Nobyembre 28.
Kinilala ang mga nahuli na sina Michael Alba, 35-anyos ng
Cabugao Roxas city Capiz at temporaryong nakatira sa Park Homes Subdivision,
Barangay Andagao, Kalibo, Carlo Benaojan, 28 ng Brgy. Caticlan, Malay at Ric
Malicsi, 39-anyos ng Pasig city at naninirahan sa Poblacion, Numancia, Aklan.
Kasama pa rito sina Julios Balbino at Zoe Balbino, parehong
42-anyos at residente ng Brgy. Ambolong, Batan, Aklan at John Jed Suante, 28 ng
Oyotorong St. Kalibo.
Nabatid na sa loob lamang ng isang buwan nitong Nobyembre
sa isinagawang buy bust operation ay nakahuli ang PAIDSOTG ng 12 suspected drug
pushers sa sampung positibong operasyon.
Samantala, ang mga nahuli ay nahaharap sa paglabag sa
Section 5 at Section 11 ng Article II of Republic Act (R.A.) No. 9165 (the
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para sa pagbenta at paggamit ng
ipinagbabawal na druga.
No comments:
Post a Comment