Posted December 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Apektado parin umano ngayon ang ilang sea foods
restaurant sa Boracay dahil sa nagpapatuloy na Shellfish Poison Advisory sa tatlong
bayan sa Aklan.
Ayon kay Edgar Mendoza Officer In-Charge ng Provincial
Agriculture Office, patuloy pa umano ngayon ang ginagawang monitoring ng Bureau
of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Paralytic Shellfish Poison na
tumama sa bayan ng New Washington, Batan at Altavas.
Aniya, maraming kainan sa Boracay ang kumukuha ng suplay
ng sea foods sa mga nasabing bayan na ngayon ay apektado ang negosyo dahil sa
nasabing babala.
Nabatid na kabilang sa mga apektadong shell ang tahong at
talaba na siyang mabenta sa mga restaurant at pangunahing pagkain ng mga
mangingisda.
Samantala, hanggat hindi pa umano naglalabas ng abiso ang
BFAR na negatibo na sa poison ang mga nasabing bayan ay bawal pa ang pagkain,
pagkuha, pag-harvest, pag-transport at pagbinta ng shellfish.
No comments:
Post a Comment