Monday, November 30, 2015

Turistang Taiwanese national patay matapos atakahin sa puso sa Boracay

Posted November 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for natagpuang patay]\Patay na ng makarating sa isang pagamutan sa isla ng Boracay ang isang 41-anyos na bakasyunistang Taiwanese national matapos atakihin sa puso.

Nakilala ang biktimang si Ching-Hsin Ko ng Taipei Taiwan at nanunuluyan sa isang resort sa Station 2 Balabag Boracay.

Base sa report ng Boracay PNP, bago umano mangyari ang insidente ay nag-inuman pa ang biktima kasama ang mga katrabaho nito sa isang bar sa station 2 kung saan uminon ito ng apat hanggang limang bote ng alak.

Ngunit bandang alas-11:30 ng gabi ng pauwi na ang biktima sa tintuluyang resort ay nakaramdan ito ng pagsusuka hanggang sa umabot na sa kanilang kwarto at tuloy-tuloy parin ang pagsusuka at ditto na umano siya nag-rereklamo ng pananakit ng dibdib.

Dahil dito mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit ayon sa mga doktor ay patay na ito ng makarating sa pagamutan.

Samantala, napag-alaman na atake sa puso ang ikinamatay ng biktima kung saan nakatakda namang dalhin ang bangkay nito sa kanilang bansa sa Taipei Taiwan.

No comments:

Post a Comment