Monday, November 30, 2015

Room attendant ng isang hotel sa Boracay, natagpuang patay sa kanyang boardinghouse

Posted November 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NATAGPUANG PATAYPatay na ng matagpuan ang katawan ng isang 25-anyos na lalaki sa kanyang boardinghouse kahapon sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Clifford John Abad residente ng San Jose, Occidental Mindoro at nag-tratrabaho bilang isang room attendant sa isang hotel sa station 1 Boracay.

Sumbong ng roommate nito na si Arnel Idala 21-anyos sa Boracay PNP, pauwi umano siya mula sa kanyang trabaho ng mapansin nitong naka-lock ang kanilang kwarto.

Dahil dito, ilang beses umano siyang kumatok ngunit walang nagbubukas kung kayat ginamitan na lamang umano niya ito ng susi at ng mabuksan ay doon tumambad ang wala ng buhay na biktima.

Napag-alaman din na bago namatay ang biktima ay galing umano ito sa isang night out kasama ang barkda at naka-uwi na bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Samantala, base naman sa pagamutan na pinagdalhan sa katawan ng biktima at sa sumuring doktor ay Cardio Pulmonary Arrest secondary to Multi Organ Failure umano ang dahilan ng ikinamatay nito.

Sa ngayon ini-embistigahan naman ng Scene of The Crime Operatives (SOCO) Boracay ang dahilan ng pagkamatay ng biktima matapos humiling ang pamilya nito na isasalim sa otopsiya ang kanyang bangkay.

No comments:

Post a Comment