Monday, November 30, 2015

Construction worker sa Boracay, kulong matapos saksakin ang katrabaho

Posted November 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ang isang lalaki matapos saksakin ang kapwa construction worker nito sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, nag-away umano ang biktimang si Carlito Ubano 38- anyos ng Roxas Isabela at ang suspek na si Jerry Mondera 43-anyos ng Brgy. Cabudlipa, Patnungon Antique dahil sa nasira ng biktima ang lock ng pintuan ng suspek.

Dahil dito, kumuha umano ang suspek ng patalim at sinaksak ang biktima na tinamaan naman sa kanyang dibdib at kanang balikat nito.

Napag-alaman na narekober ng mga pulis ang patalim na may habang 15 inches na ginamit ng suspek sa biktima na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Boracay PNP habang ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa BTAC.

No comments:

Post a Comment