Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumbong ng nagrereklamong si Judy Seraspi sa Boracay PNP,
masyado umanong nakadistorbo ang ginagawang pag-iingay ng inirereklamo nitong
si Mark Leo Basay sa kanilang lugar.
Ayon kay Seraspi lasing umano si Basay habang
ipinagdidiriwang nito ang kanyang kaarawan dahilan para ireklamo niya ito dahil
sa inililikhang ingay.
Maliban dito makailang beses niya rin umanong sinuway si
Basay ngunit hindi umano siya pinakinggan sa halip ay sumigaw pa ito ng malakas
at sinira ang bakud sa lugar.
Samantala sa Boracay PNP lock-up cell na nagpalipas ng
kanyang kaarawan si Basay.
No comments:
Post a Comment