Posted September 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Paiimbestigahan sa Committee on Environment ng
Sangguniang Bayan ng Malay ang umano’y basura na nanggagaling sa bayan ng
Ibajay at dinadala sa land field ng Malay.
Sa 34th Regular Session ng Malay ngayong
Martes, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na may natanggap umano siyang report
na dinadala ng bayan ng Ibajay ang kanilang mga basura sa nasabing land field.
Ayon kay Aguirre nais niya itong paimbestigahan kung
totoo nga ba ito dahil ang tambakan umano ng basura ng Malay ay para lang sa
naturang bayan at hindi para sa kalapit na munisipalidad maliban na lamang kung
mayroon umano itong agreement o fees sa LGU.
Samanta, maliban sa Committee on Environment nais din
itong paimbestigahan ng konseho sa Office of the Mayor at sa Solid Waste
Management.
No comments:
Post a Comment