Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglabas ngayon ng order ang Municipal Engineering Office
ng Malay sa pansamantalang pagpapahinto ng construction project ng DATEM
Construction Corp. sa Yapak Boracay.
Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay
Redevelopment Task Force, hindi muna nila pahihintulang ipagpatuloy ang
nasabing construction hanggat hindi nakakahuha ng clearance ang DATEM mula sa
Department of Labor and Employment (DOLE).
Maliban dito humihingi din ang Engineering Office ng
revise project plan ng DATEM sa ginagawang building na hawak ng New Coast
Boracay.
Matatandaang isang landslide ang nangyari nitong
Miyerkules ng umaga sa ginagawang basement ng isang gusali kung saan isa rito
ang patay at dalawa naman ang nagtamo ng seryosong sugat.
Samantala, katuwang ng Boracay Redevelopment Task Force ang
Engineering Office ng Malay sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
Nabatid na ikinadismaya naman ng Local Government Unit ng
Malay ang hindi agad pagpapasok sa kanila sa loob ng site at ng maging ng mga
pulis.
No comments:
Post a Comment