Posted September 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sugatan ang isang construction worker matapos na saksakin
ng kanyang katrabaho sa Sitio Diniwid Brgy. Balabag, Malay, Aklan kagabi.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktimang si Ronnie
Doronio 26- anyos ng Sitio Agutay Brgy. Aquino Ibajay, Aklan at temporaryong
nakatira sa Sitio Diniwid.
Nabatid sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman ang biktima
at suspek kasama ang ilan pa nilang katrabaho ng magkaroon ng mainit na
argumento sa pagitan ng biktima at ng suspek na si Alvin Tividad 33-anyos ng
Brgy. Lunoy, Guibungan, Sapian Capiz
Dito nagtungo ang suspek sa kusina at sa pagbalik nito ay
may dala na siyang kutsilyo na agad niyang inunday sa katawan ng biktima habang
nakatayo sa labas ng kanyang kwarto.
Matapos ang insidente mabilis namang nakatakas ang suspek
sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod ng barracks.
Agad namang naisugod ang biktima ng kanyang kapatid at katrabaho
sa isang pribadong klinika para mabigyan ng agarang pagpapagamot ngunit
nagdesisyon ang doktor na dalhin nalang ito sa ospital sa bayan Kalibo.
Samantala, agad namang nahuli ng mga pulis ang suspek
matapos ang kanilang pagrespondi sa insidente na ngayon ay pansamantalang ikinustodiya
sa Boracay PNP habang patuloy na ginagawa ang imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment