YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 25, 2015

Forum laban sa rabies inilunsad ng DOH sa Boracay

Posted September 25, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay

“Rabies Free Philippines by 2020”.

Ito ang layunin ng Department of Health katuwang ang World Health Organization sa isinagawang Rabies Dissemination Forum in the Visayas Island nitong nakalipas na araw sa Boracay.

Ito ay dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang rehiyon sa Visayas kung saan ang paksa ng aktibidad ay para palakasin ang kampanya ng Responsible Pet Ownership ng mabawasan ang kaso ng rabies sa bansa.

Maliban kay Cebu City Mayor Michael Rama, Antique Governor Rhodora Cadiao at Guimaras Governor Samuel Gumarin, naging panauhin din si DOH Undersecretary Dr. Vicente Belizario Jr.

Ayon kay Belizario, maliban sa dog vaccination campaign ng Department of Agriculture sa bawat munisipalidad ay mainam din palawakin ang bakuna sa mga bata sa elementarya bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay sa mga Animal Bite Treatment Centers.

Dagdag pa nito na kung dati ay una at dalawang dose lang ang libre, balak ng DOH na ibigay ang walong dose ng libre para hindi na mahirapan ang mga biktima lalo na ang mga mahihirap.

Samantala, isa sa mga highlight ng nasabing forum ay ang Presentation of Selected Good Practice ng mga probinsya na deklaradong rabies-free para magsilbing huwaran sa mga local officials at medical practioners na dumalo.

Kung maalala, ang isla ng Boracay ay isa din sa mga idineklarang ng DOH na Rabies-Free noong taong 2013.

No comments:

Post a Comment