Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Daan-daang volunteers mula sa ibat-ibang sectoral groups
at mga turista sa Boracay ang lumahok sa 2015 International Coastal Clean-up
nitong Sabado.
Ito ay para sa taunang proyekto na ginagawa tuwing
ika-19th ng Setyembre para sa sa layuning malinisan ang mga coastal areas sa
buong mundo.
Sa pangunguna naman ni Mayor John Yap ng Malay
nagpasalamat naman ito sa suporta na ipinakita ng lahat ng sumali sa clean-up
activity kung saan inanyayahan din nito na patuloy na suportahan ang nasabing
proyetekto na nangangalaga sa kalikasan ng isla ng Boracay.
Samantala, ilan sa mga sumali sa International Coastal
Clean-up ay ang Boracay PNP, Municipal
Environment Management Services ng LGU Malay,Boracay Foundation Incorporated at
Seven Seas Hotel and Residences.
Nabatid na ang Ocean Conservancy ang siyang International
Organizer at Philippine Coast Guard-Auxiliary bilang National Coordinator sa
naturang proyekto.
No comments:
Post a Comment