Monday, September 21, 2015

SME Roving Academy Training, nakatakdang gawin ng DTI sa Aklan

Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dtiNakatakdang magsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Small Medium Enterprise Roving Academy (SMERA) Training sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay para maipakilala ang pag-nenegosyo sa mga Aklanon na may kakayahan sa tinatawag na Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs).

Nabatid na ang SMERA ay isang flagship program ng nasabing ahensya na nag-nanais ng patuloy na learning program para mapausbong pa ang ibat-ibang kakayahan at potensyal ng mga kababaehan at walang trabaho kasama na ang local youth at ang lumalakas na MSMEs sa pamamagitan ng promotion ng business information at skills training.

Samantala, ilan sa mga topiko sa training activities ay ang establishment activities, establishing markets, enterprise development kasama na ang pagpapahayag kung paano makapag-avail ng loan, visual merchandizing, entrepreneurship at product consultation and development.

No comments:

Post a Comment