Wednesday, May 27, 2015

Natural na kagandahan ng Boracay hinangaan ng mga APEC Delagates

Posted May 27, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Tapos na ang Second Senior officials’ meeting ng APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation 2015 sa isla ng Boracay.

Subali’t maliban sa naging mapayapa at matagumpay ang pagpupulong, nabatid na napahanga pala ang mga APEC Delegates sa natural na kagandahan ng isla.

Dahil dito, napag-alaman din na may mga delegates na nagpaiwan upang magliwaliw at tuklasin pa ang kabuuang ganda ng Boracay.

Samantala, ilang opisyal mula sa LGU Malay at mga stakeholders ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kooperasyon ng lahat sa kakatapos na APEC Ministerial meeting.

Magugunita namang kaliwa’t-kanan ang ginawang paghahanda ng National at Aklan Provincial Government, LGU Malay, at ilan pang ahensya upang maging matagumpay ang nasabing aktibidad na inaasahang magpapalago lalo ng turismo ng isla.

No comments:

Post a Comment