Monday, May 25, 2015

Grand Boracay Festival Queen 2015, nasungkit ng LGU Malay

Posted May 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nasungkit ng LGU Malay ang prestihiyosong Grand Boracay Festival Queen 2015.

Nakilala ang bagong Reyna Elena na si Binibing Sofia Pasag na siyang pambato ng LGU Malay na siya ring nakakuha ng Best Dressed Reyna.

Nakuha naman ng Henann Group of Resorts ang Best Floral Arc at Best Escort, at 1st Runner up, habang 2nd Festival Queen ang Jony’s Beach Resort.

Samantala, sinabi naman ni BFI o Boracay Foundation Incorporated Board Member Nenette Graf na nais nilang gawin kada taon ang Grand Boracay Flores de Mayo Festival para sa mga susunod pang henerasyon.

Nabatid na nasa ikatlong taon na ngayon ang nasabing aktibidad kung saan tampok ang Santacrusan, na siya namang iniingatang tradisyong Filipino.

Ginanap ang Grand Boracay Flores de Mayo nitong Sabado tampok ang mga naggagandahang kalahok mula sa iba’t-ibang resort na pumarada mula sa Holy Rosary Parish Boracay sa Station 2 Beach Front ng Boracay Regency.

No comments:

Post a Comment