Tuesday, May 26, 2015

Ginanap na APEC Ministerial Meeting sa Boracay, naging generally peaceful

Posted May 26, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Naging generally peaceful umano ang kakatapos lamang na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation Ministerial Meeting sa Boracay.

Sa kanyang text message, sinabi ni Region 6 Public Information Officer at Official Spokesperson for APEC Police Inspector Shiela Mae Sangrines, na naitala ang ‘Zero major incident’ sa kasagsagan ng ministerial meeting.

Natiyak umano kasi ang kaligtasan ng mga delegates, kung kaya’t sinabi din nito na para sa lahat ang tagumpay ng naturang aktibidad.

Samantala, magugunitang nagpakalat ang pamahalaan ng mahigit tatlong libong pulis sa isla upang matutukan ang seguridad ng mga ministers, maliban pa sa ipinakalat na miyembro ng Philippine Army, MMDA, DOH, Fire Fighters, iba pang law enforcers at force multipliers.

Naging abala naman ang mga delegates mula sa 21 bansang miyembro ng APEC sa mga usaping pang-ekonomiya na may temang ‘’Building Inclusive Economies, Building a Better World’’.

No comments:

Post a Comment