Posted May 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kilala ang Kalibo International Airport (KIA) na isa sa
pinaka-abalang paliparan sa bansa dahil sa dami ng International flights na tinatanggap
nito araw-araw.
Kung kayat ilang problema na rin ang naranasan ng nasabing
paliparan lalo na at medyo may kaliitan ang run way ngunit ngayon Hunyo ay
malapit ng matapos ang 300 meters extension nito.
Ayon naman kay CAAP Kalibo airport manager Martin Terre,
maganda na ang flow ng traffic sa nasabing paliparan kung saan mayroon din
umano silang restriction sa loading area at unloading area matapos ang ilang
pagsasaayos.
Nabatid na isa sa mga naging problema ng Kalibo
International Airport ay ang tungkol sa loading at unloading area dahil sa nagkakasikip
ang mga pasahero rito at walang kaukulang pasilidad.
Samantala, maliban dito sinabi din ni Terre na patuloy
nilang inaayos ang mga transportation vehicle sa labas ng paliparan kung saan
dumarami ang mga transport groups na may biyaheng Caticlan.
Kaugnay nito maganda namang ibinalita ni Terre na maraming
mga International Airline Company ang gustong mag-operate sa Kalibo
International Airport at magdala ng maraming turista mula sa ibat-ibang panig
ng mundo na gustong magbakasyon sa Boracay.
No comments:
Post a Comment