Wednesday, May 27, 2015

May-ari ng lumabag na construction sa gilid ng laketown kinalampag ni SB Bautista

Posted May 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for demolitionMuling kinalampag ni Malay Sangguniang Bayan Member Floribar Bautista ang mga kinauukulan at may-ari ng ipinatigil na construction sa gilid ng Lake Town sa Boracay.

Ito’y matapos na hindi parin umano ngayon na de-demolish ang nasabing construction na sinasabing isang waiting area na pag mamay-ari ng isang kilalang resort sa Boracay.

Sa 18th regular SB Session ng Malay nitong Martes sinabi ni Bautista na tila walang naging aksyon rito ang kinauukulan matapos na ipinatigil dalawang linggo na ang nakararaan.

Nabatid na nakitaan ng ilang paglabag ang nasabing waiting area dahil sa kawalan ng building permit at kaukulang dokumento mula sa LGU Malay.

Kaugnay nito nauna ng sinabi ni Bautista kung sino ang nagbigay ng permiso mula sa LGU na makapagpatayo ang kilalang resort ng kanilang waiting area sa gilid ng laketown.

Samantala, ipinaabot naman ng Konseho sa kinauukulan sa LGU Malay na kung maaari ay mabigyan na ito ng agarang pansin upang agad na mai-demolish.

No comments:

Post a Comment