Wednesday, May 27, 2015

‘Balik-Eskwela Diskwento Sale’ ng DTI-Aklan, umarangkada na

Posted May 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for school suppliesUmarangkada na kahapon ang dalawang araw na ‘Balik-Eskwela Diskwento Sale’ ng Department of Trade and Industry (DTI)-Aklan.

Ito’y para tulungan ang mga mamimili na makatipid sa pagbili ng gamit sa eskwela ngayong nalalapit na pasukan kasama na ang ilang household items.

Nabatid na ang dalawang araw na Diskwento Sale ay ginanap sa Provincial Trade Hall, Capitol Grounds sa Kalibo, Aklan na nag-umpisa kahapon at magtatapos naman ngayong araw ng  Martes.

Samantala kabilang sa mga discounted school supplies ng DTI ay ang notebooks, lapis, krayola, bag kasama na ang mga uniforme sapatos at prime commodities.

Layunin naman ng Diskwento Sale ng DTI sa pakikipagtulungan sa provincial government ng Aklan ay para makapag-bigay daan sa marginal consumers, estudyante at sa kanilang pamilya na makapag-avail ng mga nasabing diskwento.

No comments:

Post a Comment