Posted May 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon ng babala ang Department of Foreign
Affairs (DFA) sa mga nais mag-abroad dahil sa nangyaring human trafficking sa
Kalibo International Airport nitong nakaraang linggo.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, nakakabahala ang
ganitong pangyayari kung kayat sa ngayon umano ay patuloy ang kanilang
ginagawang pagtutok sa binubuong Inter-Agency Council Against Trafficking upang
tuluyang masugpo ang problema sa human trafficking sa bansa.
Sinabi pa nito na ang illegal recruitment ay isang porma
ng lumalalang human trafficking sa ngayon kung saan karamihan sa mga biktima ay
mga babae.
Kaugnay nito pinayuhan naman ni Jose ang mga mamamayan na
gustong makipagsapalaran sa ibang bansa upang
makapagtrabaho na kailangan sa accredited agency ng Philippine Overseas
Employment Administration (POEA) sila mag-apply.
Nabatid na nitong buwan ng Mayo ilang kababaihan ang
nahuli ng immigration authorities sa Kalibo International Airport na balak
sanang mag-biyahe patungong Singapore at Kuala Lumpur, Malaysia dahil sa
kawalan ng kaukulang dokumento.
Napag-alaman din na ang nasabing paliparan ang ginagamit
ng mga biktima ng human trafficking mula pa sa ibat-ibang lugar sa bansa dahil
sa ito ay mayroong mga direct flights.
No comments:
Post a Comment