Posted May 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa darating na araw ng Sabado Hunyo 6 muling ikakasa ng
Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang 32nd Annual General
Membership Assembly (AGMA).
Ito ay may temang “Strengthening the Spirit of
Cooperatives through Excellent Services” na gaganapin sa ABL Sports &
Cultural Complex, Capitol Site, Kalibo, Aklan sa ala-1 ng hapon.
Dagdag rito ipinapaabot naman sa mga posibleng gustong
tumakbo sa paparating na mga District Elections na ang dagdag requirement sa
pag-file ng Certificate of Candidacy ay dalawang attendance o partisipasyon sa
AGMA.
Ito naman ay tungkol sa Republic ACT (RA) 10531, na may
attendance sa nasabing AGMA sa loob ng limang taon bago ang filing ng certificate
of candidacy na kailangang ngayon para kumandidato sa Board.
Kaugnay nito hinihikayat ang lahat ng kunsumidor na
dumalo sa nasabing assembly para malaman ang tungkol sa nangyayari at mga
plataporma ng AKELCO.
Samantala, naitala naman ng AKELCO noong nakaraang taon
ang pinakamaraming dumalo sa AGMA na umabot ng halos sampung libong kunsumidor
mula sa ibat-ibang distrito sa Aklan at ilang bayan sa Antique na binibigyan ng
suplay ng nasabing kooperatiba.
No comments:
Post a Comment