Tuesday, May 26, 2015

APEC Security forces sumailalim sa Brigada Eskwela sa mainland Malay at Boracay

Posted May 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BRIGADA ESKWELA 2015Sumailalim ngayong araw ng Lunes sa Brigada Eskwela ang mga security forces ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Second Senior Officials’ Meeting sa mainland at Boracay.

Ito’y dahil sa nagtapos na kahapon ang dalawang linggong meeting kung saan ginamit ng mga security forces ng Site Task Group (STG) ang ilang paaralan sa mainland Malay at Boracay bilang billeting areas.

Ayon naman kay STG Boracay APEC 2015 Spokesperson P/Insp. Shella Mae Sangrines, ito umanong ginawa nilang Brigada Eskwela ay paraan ng kanilang pasasalamat sa mga school principal at local government unit ng Malay sa naging akumodasyon ng mga security forces.

Nabatid na inayos ng mga kapulisan ang mga sira-sirang upaan sa kanilang naging billeting areas kasama na rito ang pagpintura sa mga silid-aralan.

Napag-alaman na mayroong mahigit 3,700 police personnel mula sa Police Regional Office (PRO)-6 ang naka-deploy sa mainland Malay at Boracay para paigtingin ang seguridad ng kakatapos na APEC meetings.

Samantala, katuwang ng ginawang Brigada Eskwela ng security forces ay ang Department of Education (DepEd) at LGU Malay.

No comments:

Post a Comment