YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 03, 2015

Zorb Park hindi na makontak matapos ang isang aksidente sa kanilang Zorb activity

Posted March 3, 2015
NI Bert Dalida YES FM Boracay

Photo from Globososo.com
Hindi na makontak ang pamunuan ng Zorb P
ark matapos ang isang aksidente sa kanilang Zorb activity nitong Biyernes.

Biktima rito ang dalawang electrical engineer na bakasyunista sa isla na kumuha ng Zorb Activity sa Zetro ATV and Buggy sa Sitio Lapuz-lapuz, Barangay Balabag.

Base sa police report ng Boracay PNP, nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan at nawalan ng malay ang biktimang si Patricio Rodolfo Reyes, ng Quezon Province.

Kaagad siyang isinugod sa isang pagamutan sa isla, subali’t inilipat sa isang pagamutan sa Kalibo dahil sa Hemorrhage.

Tumilapon umano kasi ito ng dalawang metro mula sa umiikot na Zorb nang maputol ang kanyang tali.
Maliban dito, nanakit naman ang katawan ni Eduardo Pabuna, isa ring electrical engineer na kasama ni Patricio sa loob ng Zorb.

Samantala, patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad ang kaso lalo pa’t natawag na rin nito ang atensyon ng DOT o Department of Tourism Region 6.

No comments:

Post a Comment