Tuesday, March 03, 2015

Air con technician na nagbebenta ng Shabu sa Boracay, timbog sa Buy Bust Operation

Posted March 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Photo by Globososo.com
Nakaposas habang nakaupo sa loob ng Boracay PNP ang air con technician na si Ruel Dequinon.

Nahuli kasi ito kagabi sa isang buy bust operation sa Barangay Manoc-manoc, Boracay dahil sa pagbebenta umano ng Shabu.

Siya ang panibagong target ng PAIDSOTG o Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Boracay PNP.

Dahil sa matagumpay na operasyon, narekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng suspected Shabu, marked at unmarked money, wallet at isang cell phone na naglalaman umano ng illegal drugs transaction.

Pansamantalang ikinostodiya sa Boracay PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Samantala, iginiit naman nito na hinahatid lamang sa kanya ng isang babae ang droga.

No comments:

Post a Comment