YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 02, 2015

PCSUPT Josephus Angan, ininspeksyon ang deployment ng kapulisan para sa ASEAN Supreme Court Justices Meeting sa Boracay

Posted March 2, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ininspeksyon ni PCSUPT Josephus Angan ang deployment ng kapulisan para sa ASEAN Chief Justices Conference sa Boracay.

Kasunod din ito ng kanilang pagpupulong kaninang umaga kasama ang ilan pang miyembro ng Malay Task Group sa Eco Village Resort and Convention Center,dahil sa ipinapatupad na mahigpit na seguridad.

Napag-alamang kahapon din dumating ang nasa 300 kalahok sa nasabing konperensiya kasama ang kani-kanilang staff.

Samantala, napag-alaman din na inaliw kagabi ng Iloilo Dinagyang Tribe Performers at Bacolod Mascarra Performers sa kanilang dinner ang mga nasabing delegado na inilaan mismo ng DOT o Department of Tourism Region 6.

Inaasahan namang mapayapa ang nasabing pagpupulong hanggang bukas.

No comments:

Post a Comment