YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 03, 2015

BFP Boracay, naka-red alert na rin sa ASEAN Chief Justice Convention 2015

Posted March 3, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaugnay ng isinasagawang ASEAN Chief Justice Convention 2015 sa isla ng Boracay.

Naka-red alert na rin ngayon ang Bureau of Fire and Protection Unit (BFP) kasama ang iba pang mga security enforcers sa bansa para sa seguridad ng mga delegado.

Ayon kay BFP Chief Fire Inspector Stephen Jardeleza nag-deploy ito ng tatlong katao sa Eco Village , kung saan dito nakaantabay ang ilang mga ahensya at task group kaugnay ng nasabing aktibidad.

Samantala, nabatid na sampung mga bansa sa Asya ang dumalo rito na kinabibilangan ng Laos, Vietnam, Brunei Darussalam, Singapore, Indonesia, Myanmar, Thailand, Cambodia at Pilipinas.

Layunin naman ng nasabing pagpupulong na mapalakas ang judicial cooperation at mga chief justices sa buong Asya.

No comments:

Post a Comment