Posted March 4, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Katunayan, sinabi ni BIHA Chairman Rigoberto Gelito Jr.
na pinag-usapan na rin ang bagay sa isang pulong-talakayan.
Magugunitang ipinarating ng ilang establisemyento at
resort sa himpilang ito ang hinaing nila ang sa mooring area o daungan sa
station 3 dahil sila ang napagbubuntunan ng inis ng kanilang mga guest.
Masikip na umano kasi ang lugar at hindi na ang mga ito
makapag-swimming dahil sa mga nakaparadang mga bangka.
Magugunita namang ipinaalala ng MAP o Municipal Auxiliary
Police Boracay ang paglalagay ng mga boya o palutang sa dagat na magsisilbing
hangganan ng mga bangka at swimming area.
No comments:
Post a Comment