Monday, March 02, 2015

Boracay tinanghal bilang 2015 WORLD'S 2ND BEST BEACH FOR PARTYING ng Condé Nast Traveler

Posted March 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang karangalan ang nakuha ng isla ng Boracay matapos itong tanghalin bilang 2015 World's 2nd Best Beach for Partying ng Condé Nast Traveler.

Nabatid na napili ito ng Condé Nast Traveler readers dahil sa pagiging world's best beaches to eat nito kasama na ang pag-inum at paglalaro ng ibat-ibang island activity.

Karamihan naman sa mga pumasok sa top 10 ay mula sa bansang Thailand kasama ang Spain, Hawaii USA at Greece.

Napili ang Boracay sa pamamagitan ng mga readers ng Condé Nast Traveler readers kung ano lugar ang kanilang napuntahan sa mundo na maganda bilang isang party place.

Kaugnay nito nakakuha din ang Boracay nang dalawang parangal ngayong 2015 bilang best beach in Asia at number 7 best beach in the World.

Nagpapatunay lamang ito na sa kabila ng sunod-sunod na pinagdaraang problema ng Boracay ay napapanatili parin nitong manguna sa pinakakamagandang isla sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment