YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, March 04, 2015

Yellow Submarine na gustong mag-operate sa Boracay nais pa-imbestigahan ni SB Bautista

Posted March 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ngayong paimbistigahan ni SB member Floribar Bautista ang planong pag-operate ng Yellow Submarine sa Boracay.

Kasunod ito ng ginawang ginawang committee hearing tungkol sa Letter of Intent ni Yellow Submarine President Sangwon Hyun.

Partikular na tinukoy nito ay ang durability at kaligtasan ng nasabing submarine at kung ito ba ay hindi makakaapekto sa turismo ng Boracay.

Ayon naman kay Hyun, ito umano ay makakatulong para mapalakas ang turismo ng Boracay at para maranasan ng mga bisita ang totoong submarino.

Isa din umano itong environmental friendly na magiging patok sa mga bisita sa Boracay mapa-banyaga man o local tourist na mag-ooperate lamang sa area na walang mga corals.

Sa ngayon inaantay nalang ng Sangguniang Bayan ng Malay ang report mula kay Lifeguard Commander Mike Labatiao sa kanyang pag-aaral sa area kung saan maaaring ilagay ang Submarine sa sandaling ito ay maaprobahan ng konseho.

2 comments:

  1. Labatiao na naman? Wala na bang ibang pwedeng pagkatiwalaan? May kikita na naman ng malaki. T'yak yun!

    ReplyDelete