Sunday, March 01, 2015

British National, patay sa atake sa puso sa tinutuluyang resort sa Bocaray

Posted March 1, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image by globososo.com
Patay sa atake sa puso sa tinutuluyang resort sa Manoc-manoc, Bocaray ang isang British National.

Mismong ang Metropilitan Doctors Medical Clinic ang nagkumpirmang dead on arrival na sa kanilang klinika ang 71 anyos na biktimang si Collin Wills.

Base naman sa Police Report ng Boracay PNP, natagpuan na lamang kaninang umaga ng room attendant si Wills na nakahandusay sa gym ng mismong resort.

Isinugod pa ito sa nasabing pagamutan subali’t hindi na siya nailigtas dahil sa Cardio Pulmonary Arrest probably secondary to Miocardial Infraction.

Dinala naman sa isang punerarya sa Caticlan ang labi ng biktima.

No comments:

Post a Comment