YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 09, 2014

Resort supervisor sa Boracay, umano’y ninakawan ng gadget ng kanyang staff

Posted September 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang resort supervisor sa Boracay matapos na umano’y ninakawan ng gadget ng kanyang dalawang staff.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, bumaba ito upang ayusin ang wi-fi connection habang naiwan naman sa loob ng kanyang kwarto ang dalawa sa kanyang mga staff na naglilinis at nag-aayos ng kisame.

Ngunit, sa kanyang pagbalik ay hindi na umano niya nakita ang kanyang Sony PSP na ipinatong nya sa itaas ng kanyang higaan.

Dahil sa pangyayari, pina-iimbestigahan ngayon ng nasabing supervisor ang dalawa sa kanyang mga staff sa paniniwalang isa sa kanila ang kumuha ng kanyang gadget.

No comments:

Post a Comment