YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 08, 2014

HRP Boracay, ipinadiriwang ang kapistahan ng kaarawan ng Birheng Maria

Posted September 8, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinadiriwang ngayong araw ng HRP Boracay ang kapistahan ng kaarawan ng Birheng Maria.

Ayon sa ilang deboto, isang pagrespeto sa kaarawan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ang araw na ito.

Kaya naman maaga palang kanina, tumungo na sa Boracay Rock ang mga miyembro ng iba’t-ibang religious organization ng Holy Rosary Parish sa isla upang mag-alay ng dasal sa imahen ng Birheng Maria.

Pagkatapos ng pagro-rosaryo sa grotto at prosesyon pabalik sa simbahan, isang misa naman at pag-aalay ng rosas ang gaganapin.

Samantala, ayon sa tradisyong Katoliko, ngayong araw ang kaarawan ng Ina ng Panginoong Hesu-Kristo na may malaking bahaging ginampanan sa planong pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan.

No comments:

Post a Comment